[Intro]
Lalala, lalala
Lalalalala
[Verse 1]
Sabay sa pagkislap ng mga bituin
At unti-unting paglamig ng hangin
Mga kulay sa paligid na nagsasabing
Heto na ang panahong hinihintay natin, oh
Handa nang magkita't magsama-sama
[Pre-Chorus]
Meron pa nga bang kulang
Para sa masaya nating pagdiriwang?
At wala nang hihilingin
Wala nang hahanapin
Pasko ay araw-araw 'pag ika'y kapiling
'Pag ika'y kapiling
[Chorus]
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Sapat na sa akin ang liwanag mo, woah
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Dahil ikaw ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko
[Post-Chorus]
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ngayong Pasko
[Verse 2]
Mga kanta ay may himig ng saya
Pagmamahalan ay damang-dama mo na
Ito na ang panahong may aginaldong dala
At ito ay ang biyaya ng pagsasama-sama ng buong pamilya
[Pre-Chorus]
Meron pa nga bang kulang
Para sa masaya nating pagdiriwang
At wala nang hihilingin
Wala nang hahanapin
Pasko ay araw-araw 'pag ika'y kapiling
'Pag ika'y kapiling ('Pag ika'y kapiling)
[Chorus]
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Sapat na sa akin ang liwanag mo, woah
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Dahil ikaw ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko
[Post-Chorus]
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ngayong Pasko
[Chorus]
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Sapat na sa akin ang liwanag mo, woah
Ikaw ang kukumpleto ng Pasko
Dahil ikaw ang pinakamagandang regalo ngayong Pasko
[Post-Chorus]
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ngayong Pasko
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ikaw ang kukumpleto
Ngayong Pasko