[Verse 1]
Kung hanggang dito na lang tayo
Patugtog ng iyong harana
Oh, bago mamaalam
Nais kitang makasayaw
[Chorus]
Sa aking alaala, walang wakas at tayo'y nanatili
Oh, bakit ba nalunod
Sa mga salitang 'di nagawang sabihin?
Oh, tahan na, aking sinta
[Verse 2]
At sa aking panaginip
Ay muli kang nakasama
At ikaw ay nakapiling
Sa yakap mo'y nakapagpahinga
[Chorus]
Saan nga ba naglaho?
'Di ko matandaan, kailan tayo nagbago? Oh
'Di kita masisi, oh, 'di ko kaya, 'di ko magawang magalit
Oh, tahan na, aking sinta