[Verse 1]
Hindi nila naririnig hinanaing sa barung-barong
Dahil palasyo nila'y may matibay na bubong
Hindi nila naririnig mga kumakalam na tiyan
'Di tulad nila ng mesa nilang parang laging may handaan
[Pre-Chorus 1]
Ikaw ba?
Naririnig mo ba sila?
Ikaw ba?
[Chorus]
Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako
Tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan
Meron kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo
[Verse 2]
Wala silang pakiramdam sa nangyayaring kaguluhan
Basta mabulsa lang nila ang kaban ng ating bayan
Wala silang pakiramdam magkaroon man ng digmaan
Kapangyarihan na nilang gawin tayong tao-tauhan
[Pre-Chorus 2]
Ikaw ba?
Nadarama mo ba ito?
Ikaw ba?
[Chorus]
Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako
Tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan
Meron kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo
[Bridge]
Habang maaga pa
Kahit man lang sa kapakanan ng iba
Ng mga batang maglalakihan
Makikinabang sa ating maiiwan
Na pagmamahalan
[Instrumental Interlude]
[Chorus]
Gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to
Sa simula, ikaw at ako
Tapos sila hanggang maging lahat na tayo
Oh, kay gandang masdan
Sa bawat taong nagugutom at nahihirapan
Meron kang matutulungan
Oh, gawing langit ang mundo, makakaya natin 'to