[Verse 1]
Ikadalawampu ng Enero sa Barcelona
Namaalam na sa alak si Lopez Jaena
Humele na, humele na
Ang ating bayani sa España
Panahon na, panahon na
Mil ocho cientos noventa'y seis
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Hulyo a-cuatro, ang Propaganda’y umabot sa dulo
Nang si Marcelo H. del Pilar pumanaw sa masikip na ospital
Humele na, humele na
Ang ating bayani sa España
Panahon na, panahon na
Mil ocho cientos noventa'y seis
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Ika-dalawampu't anim ng Agosto nilabas ang sandata
Ipinagdiwang ang sandali bandera’y iwinagayway
At sa Bagumbayan
Si Dr. Jose Rizal ay pinaslang
Bukang-liwayway ng Disyembre a-trenta
Panahon ng pananalig
At ng pangangamba
Taon ng Himagsikan
Mil ocho cientos noventa'y seis
[Verse 4]
Humele na, humele na
Ang ating bayani sa lupa
Panahon na, panahon na
Mil ocho cientos noventa'y seis
Mil ocho cientos noventa'y seis
Mil ocho cientos noventa'y seis