[Verse 1]
Dakilang Manlilikha, narito po ako
′Sang pirasong lupa sa palad ng mundo
Puso'y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo
[Verse 2]
Salamat sa araw, sa buwan at bituin
Sa hayop at halaman, sa ulan at hangin
Salamat sa kaibigan at kapwa tao ko
Salamat sa Inyo
[Verse 3]
Bawat sandali ng buhay ay ligaya
Bawat hininga ay tunay na biyaya
Bawat paghihirap ay may gantimpala
[Verse 1]
Dakilang Manlilikha, narito po ako
′Sang pirasong lupa sa palad ng mundo
Puso'y umaawit, awiting alay ko
Salamat sa Inyo
Amen