[Verse 1]
Da-ram
Hmm
Ala-una ng umaga ay kausap pa kita
'Di alam ang sasabihin
Umaasa, pinaasa, para bang nangumpisal
'Di alam ang sasapitin
[Pre-Chorus]
Ang akala ko lang muna
Tayo ay nag-uumpisa
Kung nalaman ko lang, 'yun na
Sana'y nasabi ko na
[Chorus]
'Wag mo damdamin, damdamin, 'wag sa akin
Puwede ba na kaibigan lang?
'Wag mo palitan, palitan ang pagitan
Puwede pa naman, kaibigan lang
[Verse 2]
Da-ra, da-ra-ram, hmm
'Wag nang magdamdam
Panaginip, palaisipan pala ang pag-ibig
'Di alam ang papalarin
Malasakit at pasakit sa magkaibang pintig
'Di alam ang para sa 'tin
[Pre-Chorus]
Sa usapang dal'wa
Tila kumplikado din ang timpla, oh-oh
Kung isa'y tinamaan na
At iba pala ang dikta
[Chorus]
'Wag mo damdamin, damdamin, 'wag sa akin
Puwede ba na kaibigan lang?
'Wag mo palitan, palitan ang pagitan
Puwede pa naman, kaibigan lang
[Pre-Chorus]
Ang akala ko lang muna
Tayo ay nag-uumpisa
Kung nalaman ko lang, 'yun na
Sana'y nasabi ko na
[Chorus]
'Wag mo damdamin, damdamin, 'wag sa akin
Puwede ba na kaibigan lang?
'Wag mo palitan, palitan ang pagitan
Puwede pa naman, kaibigan lang, whoa
[Chorus]
'Wag mo damdamin, damdamin, 'wag sa akin
Puwede ba na kaibigan lang?
'Wag mo palitan, palitan ang pagitan
Puwede pa naman, kaibigan lang
[Outro]
('Wag mo damdamin)
Da-ra, da-ra-ram, hmm
'Wag nang magdamdam
('Wag mo damdamin)
Da-ra, da-ra-ram, hmm
'Wag nang magdamdam