[Verse 1]
Pagmasdan sa limang piso si Emilio Aguinaldo
Pangulo ng unang republika
Unang republika sa Asya
Sa dal’wang piso naman si Andres Bonifacio
Siyang Ama ng Katipunan
Supremo ng Himagsikan
Sa barya
Sa baun-baon mong barya
Kasaysayan sa bulsa
Na makikita sa barya hey
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Nasa piso ang mukha ni Dr. Jose Rizal
Ating pambansang bayani
Sumulat ng Noli at Fili
Sa singkwenta lumugar
Marcelo H. del Pilar
Manunulat at editor ng La Solidaridad
Sa barya
Sa pamasahe mong barya
Kasaysayan sa bulsa
Na makikita sa barya hey
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Sa bente-singko si Juan Luna
Ang nagpinta ng Spolarium
Nasa diyes ang makata
Si Francisco Baltazar
Si Melchora Aquino
Tandang Sorang nasa singko
Sa ‘sampera’y Lapu-lapu
Ang bayaning katutubo
Sa barya
Panlimos mong barya
Kasaysayan sa bulsa
Na makikita sa barya
Huwaran ng kabayanihan
Kadakilaa’t karangalan
Kasaysayan sa bulsa
Na makikita sa barya hey