[Verse 1: Marlo Mortel]
'Di na gumising
Magmula ng ikay maging lama nitong panaginip
O biglang tumigil
Ang oras magbuhat nang ika'y natala sa aking isip
[Pre-Chorus: Marlo Mortel]
Nandito lang ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking huling pag idlip
[Chorus: Marlo Mortel]
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Nang sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili (Mananatili, mananatili)
[Verse 2: Janella Salvador]
Bakit 'di mapigil?
Damdami'y tuwang tuwa
Sa bawat saglit na kapiling
Paano sasabihing pagsinta'y umaapaw
At 'di sapat aking tinig
[Pre-Chorus: Janella Salvador]
Nandito lang ngunit hindi maamin
At hanggang sa aking huling pag idlip
[Chorus: Both]
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
[Bridge: Both]
Sa puso'y mananatili na kapiling ka
Iniingat ingatan, o, aking sinta
Dinadalangin sa bawat gabi ay ikaw
[Chorus; Both]
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y nandito palagi
Laging mananatili sa labi
Mga ngiting naiwan
Ng sandaling masilayan ka
Sa puso'y mananatili