[Intro]
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam
[Verse 1]
At muling babalik sa tinutuluyan kong maliit na sigpit
Kung saan walang hanggan ang pagtulo ng luha mula kisame
At basa, walang sawa ang kaingayan ng mga paniki
Sila lang ang nakakaalam ng lahat ng sakit at pighati
[Chorus]
Ngunit narinig muli ang 'yong musika
Pa'no bang 'di lumapit kung nand'yan ka na?
Pagod na sa mga sabit, puso ko'y isasara
At kahit anong kalabit ay 'di kita papansinin
[Verse 2]
Na naman, 'di alam ano bang mangyayari sa'king hinliliit?
Buhat niya ang pangako na aking ginawa
Na kailanman 'di ako mawawalay sa'yo
Sa biglaang pagtago na magbibigay daan sa aking paglaho
Nasabi ko naman, pagpasensyahan mo lang
Na ito ang aking nakasanayan
[Chorus]
Ngunit 'di mo tinigil ang 'yong musika
Sinubukan mo pa ring tanungin kung, "Pwede bang
Muli kong kausapin ka tungkol sa'ting dalawa?"
Mga pangakong kay dali lang nalimutan
[Bridge]
Sa ating huling usapan, sinadyang magkaaminan
At 'di ko inaasahang nagawang harap-harapan
Sabi mo mayro'ng saysay ang ating munting salaysay
Ngunit 'di naagapan ng oras, nangyari na ang lahat
[Interlude]
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam
Nangyari na'ng lahat
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam
[Chorus]
At nang marinig muli ang 'yong musika
Parang 'di ko na kayang magpaalam pa
Sabi nga ni Bathala, 'di ngayon ang 'tinakda
Balang araw ay sana maiisayaw kita
[Outro]
Bam, ba-ram, ba-ram, ba-ram, ba-ram
Bam, ba-ram, ba-ra-ra-bam