[Verse 1]
Wala akong pera, walang magarang sasakyan
At kung sasabihin ako ay simpleng tao lang
Alam ko namang sadyang magkalayo ang ating mundo
Pero aking maipapangakong
Araw gabi kaya kitang pagsilbihan
Hatid at sundo ako ay lagi lang nand'yan
Pangako sa'yo ay 'di na kita iiwanan
[Chorus]
Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa
[Verse 2]
Aking mundo ay tila bang nakidlatan
Sa panaginip ay lagi kang nakaabang
Hindi makatulog, hindi ka maalis sa isipan ko
Kaya aking maipapangako
Malayo man ay akin paring pupuntahan
Kahit ang pera ko ay kinse pesos lang
Lahat ay gagawin upang makasama ka lang
[Chorus]
Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa
[Bridge]
'Di ka iiwan, laging sasamahan
'Di pababayaan, 'di ka sasaktan
Hindi ka iiwan, laging sasamahan
'Di ko itatago ang nararamdaman
[Chorus]
Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya
Mahal kitang labis, susubukan ko kahit
Wala kong palasyo na abot hanggang langit
At sa bawat araw na tayo'y magkasama
Dala ko ay ligaya, oh, aking prinsesa