[Verse 1]
Masdan mo ang alapaap
At mga puwang nito
Sa pagitan ng mga ulap
Doon tayo tutungo, ooh
[Pre-Chorus]
Sa pag-ibig kong ito
Humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil
[Chorus]
Para sa'yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
Ooh
[Verse 2]
Sa likod ng mga tala
Pag-lampas ng himpapawid
Sa hindi mo pa nakikita
Doon ka ihahatid
[Pre-Chorus]
Ng pag-ibig ko sa'yo
Humanda kang tuklasin ang isang bagong dako
[Chorus]
Para sa'yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
[Bridge]
Kung sa'kin ay kakapit
Ang anumang balakid
Ay 'di makakapigil sa ating lalakbayin
Ang mundo ng panaginip (Panaginip)
Kung ang iyong mata'y ipipikit
Makikita mo aking pag-ibig
[Pre-Chorus]
Ooh, sa pag-ibig kong ito
Humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil
[Chorus]
Para sa'yo, mahal ko
Ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
Na kung hahayaan mo ang iyong puso
Lakbayin ang lawak ng pag-ibig ko sa'yo
Makikita mo na kulang ang mundo