[Verse 1: Kyla, Kris Lawrence, Both]
Ikaw ang sumisindi
Sa aking napupunding pangarap
Lalong tumitindi
Ang apoy ng pagsisikap
Ako ang pinipinta
Larawang sinisintang hangarin
‘Di mo iniinda
Ang pahirap sa damdamin
[Pre-Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence]
Hulog ka ba ng langit?
Tila anghel ka na walang kasing bait
Palaisipan kung bakit
Datapwat subalit, mahiwaga nga ang pag-ibig
Woah-oh-oh
[Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence]
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita) ng monumento
[Post-Chorus: Both]
'Mento, 'mento, 'mento
Mo-monumento
'Mento, 'mento, 'mento
[Verse 2: Kris Lawrence, Kyla, Both]
Sa dami ko nang sablay
At dami nang pasaway na banat
Ang dapat sa akin ay
Sa presinto na lang magpaliwanag
Buti na lang wagas
Kahit na ang dalas magkulang
‘Di ka nababanas?Pangiti-ngiti ka lamang
[Pre-Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence]
Parang nananaginip
Ayaw gumising na sa pagkakaidlip
Sobrang napapaisip
Dedma sa bad trip, ibang klase nga ang pag-ibig
[Chorus: Both, Kyla, Kris Lawrence]
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita) ng monumento
[Bridge: Kyla with Kris Lawrence]
Sa bawat sulok, kanto at rotonda
Ibabantayog, walang kokontra
[Chorus: Kyla, Both, Kris Lawrence]
Konting bato, konting semento, 'di pa rin kuntento
Para ipakita ang pagmamahal sa'yo
At parang santo sa kumbento, bidang star sa kuwento
Idol ka, taas kamay ako sa'yo
Ikaw ang dakila, (Ikaw ang) syento porsyento
Hayaan mo't ipagtatayo kita (Hayaan mo't ipagtatayo kita)
[Outro: Both]
Sa EDSA, Caloocan o Luneta
Kahit saan ipagtatayo kita ng monumento
'Mento, 'mento, 'mento
Mo-monumento
'Mento, 'mento, 'mento