[Verse 1]
Sa barangay ng mga kombo
Ang bawat tao’y musikero
Sanggol pa lang ay natututo nang
Pumalu-palo sa kaldero
Walis-tingting ginigitara
At ang mga nanay, ang mga tatay
Tumutugtog ng rak en rol
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Instrumental Break]
[Verse 2]
Sa barangay ng mga kombo
Pehips pa rin ang mga lolo
At tuwing dadalaw ang apo
“Peace man” ang bati sa pagmano
At sa pagsapit ng Pasko
Ang mga nongni, ang mga ninang
Tumutugtog ng rak en rol
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Instrumental Break]
[Verse 3]
Sa barangay ng mga kombo
'Pag eleksiyon iba ang istilo
Ang kandidato musikero
Ang pagkampanya ay konsiyerto
Pagalingan ng tugtugan
At ang binoboto ang nananalo
Tumutugtog ng rak en rol
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista
[Refrain]
Sa barangay ng mga kombo
May bagong banda bawat kanto
May gitarista, mga bahista
Magtatambol at bokalista