[Verse 1]
Heto na naman ang gabi
Dala ang dilim at lamig
Pilit ginigising alaalang kubli
Tinutuksong isipang ibig manahimik
[Verse 2]
Nanunumbalik, nangungutya
Nagbibigay ng tuwa
Kahit na sandali dala'y pait sa labi
Naiiyak, napapangiti
[Chorus]
Araw-araw sa pagsapit ng gabi
Pag-ihip ng hangin, pagdapo ng dilim
Ikaw lamang sa isip, maging sa panaginip
Lihim na hiling pagsapit ng gabi
[Verse 3]
Lilipas ang oras, sisikat lang
Pangarap, dilim ang namaalam na
Lamig ay papanaw, maglalaho ang buwan
Panandaliang lunas dulot bawat bukas
[Chorus]
Araw-araw sa pagsapit ng gabi
Pag-ihip ng hangin, pagdapo ng dilim
Ikaw lamang sa isip, maging sa panaginip
Lihim na hiling
Araw-araw sa pagsapit ng gabi
Pag-ihip ng hangin, pagdapo ng dilim
Ikaw lamang sa isip, maging sa panaginip
Lihim na hiling pagsapit ng gabi