[Verse 1]
Taglay mo ang lahat ng kahilingan ko
Walang iba sa puso kong ito
At kahapon inibig na kita
'Di inaakalang may'ron ka ng iba
[Verse 2]
Pagsapit ng dilim, ika'y iniisip
Hinihiling na sana'y mapansin
Ang pag-ibig na kay tagal na rin
Aking tinago, sana ay dinggin
[Chorus]
'Di sinasadyang ibigin ang isang katulad mo
'Di maghahangad, aasam higit pa sa iyo
Tag-araw man at sa tag-ulan
Kahit ang puso ay buksan
Pag-ibig ko sa 'yo'y ilalaan
[Verse 3]
Sana'y noon pa man nasabi ko sa 'yo
Ilalaan itong damdamin ko
Pagsisisi hanggang sa huli
Wala nang pag-asa na ika'y makapiling pa
[Chorus]
'Di sinasadyang ibigin ang isang katulad mo
'Di maghahangad, aasam higit pa sa iyo
Tag-araw man at sa tag-ulan
Kahit ang puso ay buksan
Pag-ibig ko sa 'yo'y ilalaan
[Bridge]
Kailan kaya magbabago ang ikot ng mundo
Upang sana ay marinig ang tawag ko, oh, oh
[Chorus]
'Di sinasadyang ibigin ang isang katulad mo
'Di maghahangad, aasam higit pa sa iyo
Tag-araw man at sa tag-ulan
Kahit ang puso ay buksan
Pag-ibig ko sa 'yo'y ilalaan
[Outro]
Tag-araw man at sa tag-ulan
Kahit ang puso ay buksan
Pag-ibig ko sa 'yo'y ilalaan