[Verse 1]
Gusto ko sanang ipaglaban
Biglang lumikas, halatang napaghandaan
Puno ako ng katanungan
Ngunit sagot mo'y "Bahala ka na nga d'yan"
'Di ko alam ba't biglang ganito
Nanlamig porket magkalayo
Ngayon ako pa'ng sinisisi mo?
'Di na alam pa
[Chorus]
Kung totoo na 'to
Ba't biglang naglaho?
Parang nilalaro
Mo lang aking puso
[Verse 2]
'Di mo nga mabanggit aking pangalan
Sa harap ng 'yong mga kaibigan
Sa iba ko pa nalaman, nililihim mong katwiran
'Wag na nating ipaglaban ang lahat ay kalokohan
'Di totoo ang iyong yakap sobrang init, nag-aalab
'Ko'y nalapnos at nagsugat
[Chorus]
Kung totoo na 'to
Ba't biglang naglaho?
Parang nilalaro
Mo lang aking puso
[Post-Chorus]
'Kala mo ba'y biro?
Sa'n ba 'ko tutungo?
Direksyong malabo
Pala'y papalayo sa'yo, ooh-woah, ooh-woah
[Bridge]
Tira ko na 'to sa nangyari
Respeto sa aking sarili
Tira ko na 'to sa nangyari
[Chorus]
Kung totoo na 'to
Ba't biglang naglaho?
Parang nilalaro
Mo lang aking puso
[Post-Chorus]
(Akala mo ba'y biro lamang 'to?)
'Kala mo ba'y biro?
Sa'n ba 'ko tutungo?
Direksyong malabo (Direksyo'y malabo)
Pala'y papalayo sa'yo, ooh-woah, ooh-woah
[Outro]
Direksyo'y malabo
Papunta sa'yo, ooh-woah, ooh-woah, ohh