[Intro]
Three, two, one!
[Verse: Gloc-9]
Tayong lahat ay may yaman na taglay
Dapat magpantay kahit na sumablay
'Di puwedeng matamlay kahit nakasaklay
Matutong mag-antay sa mga sinampay
Buhat ng kausapin ko ang aking pangarap
Kahit magtago ka ng mabuti'y aking mahahanap
Tinig ng batang probisyano ay mapalaganap
'Di ko man inakala na kahit na sa hinagap
Ay mapapakinggan kahit na minsan
Pagkakataon na ayaw kang bigyan
Ng panglamang tiyan ulam sa pinggan
May humatak man sa likod harapang tingnan
Pero huwag kalimutang magpasalamat
Sa 'yong mga nakatuwang
Kahit na makalamang
Hindi mo kailangan pa na magmayabang
[Pre-Chorus: Gloc-9]
Kape man ay matabang
Bakit hindi na mainit inumin mo lang
Bituwin sa langit na hindi mo pa bilang
Mga panaginip sige tuparin mo lang
Pati pato!
[Chorus: Gab Chee Kee]
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa 'pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit ulit ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo laging asintado
Dito sa laro hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
Todo mo na ang iyong panabla pati pato
[Verse: Chito]
Nagsimula kami wala akong pera
Baon kami sa utang kahit na Atenista
Wala akong talento hindi rin ako guwapo
Pero t*ngina nila 'di ako nagpatalo
Bakit ko papansinin kung sa'n sila lamang
Tututukan ko na lang kung sa'n ko kayang galingan
Hindi patas ang laban pero sandali lang
Wala namang nagsabi na
Pantay-pantay ang ating dadaanan
Iba't ibang hagdanan
Ang importante ay tuloy-tuloy ang paghakbang
Basagin ang mga hadlang
Huwag mong gamiting dahilan
Kapag merong gusto palaging merong paraan
Tandaan mo lang
Kailangan nating galingan
'Pag meron kang pangarap
Huwag na huwag mong papakawalan
Lalo na kung meron kang kakaibang aabutin
Dapat handa kang paghirapan ano man ang harapin chong!
[Chorus: Gab Chee Kee]
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa 'pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit ulit ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo laging asintado
Dito sa laro hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
Todo mo na ang iyong panabla pati pato
[Verse: Shanti Dope]
Tinapat ang salamin
Tinanong kung para saan ka pa ba nandyan?
Dumaan sa ganito't ganyang hadlang hanggang nakaramdam ng
Pagod, mabigo, tumino, saktan
Na nagtulak sakin alamin
Ang kaya pa marating ng sulatan at kada hinaing
Lalong gumaling nung kala mo napuruhan sa
Murang gulang di masukat ang kamalayang sungay
Papanuwag sa 'di makataong mundo nakaka-umay na
Lumipad habang may buhay gamit husay
Sama na gulay
Uh!
Tsob, tsa, tagilid!
(Akin, sa pamatong utak damdamin)
Sa'n man dalhin ng maduming hangin
May baong bara't dasaling
Panawid sa madugo niyong pain
Ang panahong 'to sa 'kin amin
Kabig pati pato halata na di malabo para linawin
Natural ng may doble kara
Anumang mundo ang lakaran
Buti nalang ay sanay ako
Sa gubat ahas kalat lamang
Limitasyon na walang hangganan
Ang dala hanggang sa dulo
Sige matawa habang may ulo ka pa
Sa mata ko, tara!
[Chorus: Gab Chee Kee]
Tara sa panibagong kanta at makisalo
Panalo at lalong malasa pag hinalo
Ang mga barang patok at pamihadong
Uulit ulit ulitin upang makabisado
Ang mga salita mo laging asintado
Dito sa laro hindi man laging sigurado
Dapat itaya mo kahit pa dehado
Todo mo na ang iyong panabla pati pato