[Verse]
O gabing banal, bitui’y nagliliwanag
Sinilang ang sa ati’y nagligtas
Buong daigdig tigib ng kasalanan
Siya’y dumating, kalulwa’y nagalak
[Pre-Chorus]
Nagdiriwang mundo’y muling umasa
Bagong araw ngayo’y narito na
[Chorus]
Siya’y sambahin
Dinggin ang awit ng langit
Gabing banal
Panginoo'y sumaatin
[Verse]
Pagmamahal at pagkaka-isa
Dulot niya ang kapayapaan
Tanikala at ang pagkaalipin
Sa ngalan Niya, tunay kang lalaya
[Pre-Chorus]
Umaawit puno ng pagpupuri
Lahat sa ‘tin, ngalan Niya’y itaas
[Chorus]
Panginoon
Purihin ka O Kristo
Sa’yo ang lahat
Dakila Ka’t itatanyag
O Dakila ka't
Aming itatanyag
[Violin Instrumental]
[Chorus]
Siya’y sambahin
Dinggin ang awit ng langit
Gabing banal
Nang iluwal ang Panginoon
[Outro]
O gabing banal
Isinilang ang Panginoon