[Verse 1]
Umasa ka, pag-ibig ko sa 'yo'y 'di mag-iiba
Hangga't ang buhay ay mayroon pang natitirang hininga
[Chorus]
'Di ipagpapalit kahit kanino pa
Walang ibang mamahalin kundi ikaw lang, aking sinta
[Verse 2]
Umasa ka na ang damdamin ko'y 'di magbabago
Ako'y nangangako, pag-ibig kong ito'y 'di maglalaho
[Chorus]
'Pag ika'y kapiling ko, langit ang aking mundo
'Pagkat laging pangarap ko, makasama ka, o, giliw ko
[Verse 3]
Ikaw lamang ang nagpatibok sa aking puso
Umasa kang pagsuyo ay tanging sa iyo
Umasa ka ako'y magmamahal ng tapat sa 'yo
Umasa ka na ikaw lang ang mahal ko
[Chorus]
'Di ipagpapalit kahit kanino pa
Walang ibang mamahalin kundi ikaw lang, aking sinta
'Pag ika'y kapiling ko, langit ang aking mundo
'Pagkat laging pangarap ko, makasama ka, o, giliw ko
[Outro]
Umasa ka
Umasa ka, o, giliw ko