[Intro: Jom, Crakky, Clien, Russel]
Mmm, mmm
Ugh, holla
Yeah, yeah, yeah, yeah
Yuh
Oh, woah, oh, woah
Oh, no, no, oh
[Chorus: Jom]
Pwede ba na sa'yo ay tumabi?
Sana sa'kin ay hindi ka tumanggi
Marami akong gustong malaman sa'yo, sa'yo
Kasi hindi ko pa rin mahulaan
Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na
'Pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili
[Verse 1: Clien]
Sana ay pagbigyan ang gusto ko lang malaman kung kailan
Ayoko na kasing umasa sa puro salita na lang
Sana'y balang araw ay dumating ang oras na pwedeng manligaw
Hiling ko lang baby ay mapasa'kin ka na lang
Para wala na 'kong kaagaw
'Wag na nating patagalin, ano bang 'yong hinihintay?
Bakit ayaw mo pa akong sagutin
Kung pwede sanang pahalik?
Tagal ko nang nakaabang
Hindi mo ba ako napapansin?
Kaya kung maging tayo aking ipapangako
Na tayo lang talaga't wala nang iba pa
[Chorus: Jom]
Pwede ba na sa'yo ay tumabi?
Sana sa'kin ay hindi ka tumanggi
Marami akong gustong malaman sa'yo, sa'yo
Kasi hindi ko pa rin mahulaan
Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na
'Pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili
[Verse 2: Crakky]
Ugh, holla (Woo!)
Ang mukha ko ay kakapalan ko
Para 'di na mahiya d'yaan sa harapan mo
Pwede ba 'kong makatabi 'yung tipo na ganitong dikit na dikit
Amin na 'yung gamit mo at ako na 'yung magbibitbit
Alam mo ba kasing nabubuo 'yung araw ko na malungkot
Kapag ka nakikita ka nawawala na 'yung yamot
Puso ko na matigas biglaan mong napalambot
Siguro nga ikaw na 'yung gamot
Lagi lang nakaabang para masulyapan ka
'Di mo na kailangan pang mag-ayos, eh natural na
Korte ng iyong mukha na talagang maganda
Dating pa lang mapapatanong na kung taga-sa'n ka
Sa madaling salita, 'di ka din kasi mahirap mahalin
Isang lingon pa lang, alam mo nang uulit ng tingin
Pero 'di ko hahayaan na ikaw ay mag-isa
Basta 'yung puso mo ay 'wag mong subukang isara (Woo!)
[Chorus: Jom]
Pwede ba na sa'yo ay tumabi?
Sana sa'kin ay hindi ka tumanggi
Marami akong gustong malaman sa'yo, sa'yo
Kasi hindi ko pa rin mahulaan
Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na
'Pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili
[Verse 3: Russell]
Yuh!
Marami ang namangha kung ba't napakaganda
Sana naman ikaw na at ako ang nakatakda
Siyempre malakas magbiro
Pero kung mapagbibigyan ay 'di ka na malito
Pangako na mas iingatan pa, wala ka nang dapat ipangamba
Lalo na kapag nalaman mo, tanging sa'yo lang ang paghanga ko
Palagi lang nakasunod kung saan nando'n ka
'Wag sanang masamain ang aking pagpunta
Pagpasensyahan mo na tagal ko nang nanabik
Ayoko lang ding may iba sa'yong napapalapit
Nangangarap na agad sabay tayong tumanda
Hindi naman na mapipilit kung hindi pa handa
Kahit hindi man tayo ang itinadhana ngayon
Hihintayin na lang kung ano ang tamang panahon (Woo!)
[Chorus: Jom]
Pwede ba na sa'yo ay tumabi?
Sana sa'kin ay hindi ka tumanggi
Marami akong gustong malaman sa'yo, sa'yo
Kasi hindi ko pa rin mahulaan
Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na
'Pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili
[Verse 4: Jom]
I'm stuck she got me wishin' for her kisses
In my mind, all night, yeah, we switchin' positions
Baby, would you let me in if I asked you?
Kaso pa'no sasabihin, that I like you (You, you, you)
Napakasarap mong pagmasdan, oh, baby (Yeah you, you, you, you)
Palaging binabalikan, oh, yeah, oh, yeah
Pa'no ba kita titigilan, girl?
'Di ko nga kaya na hindi ka titigan, girl (Oh, oh, woah)
Madami ang nagkakandarapa (Oh-ah, oh, oh, woah)
Pa'no ba mapapaniwala
Na nung nakita ka'y nagkaro'n na ng gana
Sana balang araw sa'kin ka sumama
[Chorus: Jom]
Pwede ba na sa'yo ay tumabi?
Sana sa'kin ay hindi ka tumanggi
Marami akong gustong malaman sa'yo, sa'yo
Kasi hindi ko pa rin mahulaan
Kung sa'n nanggaling ang kagandahan na
'Pag nakikita ay 'di mapigilan ang sarili
[Hook: Jom]
Ang hiling ko ay makatabi, yeah
Kahit pa na isang gabi, yeah
Dahil alam ko na malabong maging tayo, baby
Yeah, yeah
ALLMO$T Music, pa-ram-pam-pa-ram
[Outro: Jom]
Oh, woah-oh ohh
Oh, woah-oh ohh
Oh, woah-oh ohh
Oh, woah-oh, ohh, shhh