Galak ang tanging nadarama sa tuwing aking bubuksan
Ang patong-patong na kahong bigay
Laman ay ang mga yakap at halik ninyong naipon
Sa matagal-tagal na panahong
Ako'y naghihintay na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ng pananabik na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik
Mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman ay laruan
Ligayang hatid sa tuwing may darating na kahon
Agwat kilo-kilometro ang agwat ng pangungulila
At may lawak ng karagatan
Ay tinig tila kay lapit-lapit kahit malayo
Kayo ay parang nadirito na rin
Ako'y naghihintay na makapiling sa pagbabalik
At maibsan ang pananabik na nadarama ng paslit
Habang kapit ang gunting
Ay unti-unting nagbabalik
Mga alaala
Ngiti ng kahapon, higpit ng bisig
Sa aking paggupit
Ay dahan-dahang nabubuksan
Ang laman, larawan
Ligayang hatid sa tuwing darating ang kahon
Hinehele-hele pa ninyo noon
Kahit may pangamba
At pag-aalala
Sa paglayo
Tila lang nahihimbing
Sa likod ng salimin
At ang tahimik ng lahat
Sa bawat
Pagdapo ng paruparo sa bulaklak
Aking kapit nang mahigpit
'Di mabitawan kahit 'sang saglit
Larawan at laruan
'Di ko na mayayakap
Laman ng huling kahon