×

[Verse 1: Alisson Shore]
Ipikit ang 'yong mata at iwasan nang mag-alala (Iwasan mag-alala)
Ang gulo sa'yong isipan dahan-dahan nang ibubura (Dahan-dahan)
'Di alintana ang mga talak sa ating paligid
'Di na dapat mangamba 'pagkat 'sing-himbing lang ng langit
Ang aking oyayi na walang hanggang maririnig

[Pre-Chorus: Alisson Shore]
Ito'y kalmado, elebado
Ngayon ako ang sasalo

[Chorus: Alisson Shore]
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay

[Verse 2: Arthur Nery]
Laging sinisilip ang mga tingin mong humihirit pa
Na masulyap aking mga mata
Sana'y maalala ang hugis ng aking mukha
'Di kita masisi kung ang hiling mo lang ay aking yakap
Kasi alam ko nang 'di mo alam kung kailan pwedeng magpaalam
Hahanap-hanapin kita, mahal
Kahit hindi na babalik (Oh, woah, oh-oh)
'Wag ka nang mangamba

[Pre-Chorus: Alisson Shore]
Ito'y kalmado, elebado
Ngayon ako ang sasalo

[Chorus: Alisson Shore]
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay

[Bridge: Keene Leonor, Alisson Shore]
'Di mo na mararamdaman ang sakit
'Di mo na mararamdaman ang pait
Kung pa'no kita alagaan sa panahong 'di makatayo
At Siya lang ang tanging tugon sa buhay ko
Kung mangyari man ay ayos na, luha ko'y naubos at
'Di pa rin tanggap ngunit wala na 'kong magagawa
'Di ko kakayaning lumisan ka sa'kin, ito ang hiling habilin

[Chorus: Alisson Shore]
Ng lahat ng dinadala mo
Ako'ng bahala sa iyo
Isantabi lang ang nadarama mo
Sa'yong pagtulog ay kalimutan ako

Artista: Alisson Shore



Mas tocadas

Escuchar Alisson Shore Escuchar