Lapit mga kaibigan at makinig kayo
akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
nais kong ipamahagi ang mga kwento
at mga pangyayaring nagaganap sa lupang
pinangako
ako ay pilipino sa isip at sa gawa
ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
isang gobyernong kayang sikmurain at matawa
na may pamilyang kumakain ng kulang
sa dalawang beses sa isang araw minsan wala
ngang pang lugaw
bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
na meron mas masahol pa sa hatol
ng kamatayan yan ay ikay maging mahirap sa
sarili mong bayan
mga bata na ang dapat na ginagaway maglaro
bagkos ay agos ng pawis at magbanat ng buto
upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis
hindi manika ang hawak ng kanyang
mumunting braso
bagkos isang taong gulang na kapatid
at may baso
sa harapan nagbabakasakaling lagyan
baryang pambili ng tinapay na pang
laman sa tiyan
mga pinunong bago mamatay at magkasakit
sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig
Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
nga nagagahitabu sa banwagisa nato
mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
tangan tangan at balot ng kasuotang pang digma
bakit di mapagtugma ang mayaman at dukha
sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa
pareparehong sundalo muslim man o kristiyano
ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
pinoy ang nasa loob ng ataol na sinarado
yan ba talaga ang sumpa dito
sa lupang pinangako
respeto't pagmamahalan ay pilit na tinatago
lawing hindi makadapo may pakpak na limitado
at nakakulong sa seldang may walang
susing kandado
kailan kaya matatapos ang pag agos ng dugo
at ang kapayapaay mahawakan ng buong buo
yan ba ang kwento o tanong na
pilit na humahawi
sa bawat taong bahagi ng watawat ng hinabi
Duul mga kaigsuunan ugpaminaw kamo
duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
nga nagagahitabu sa banwagisa nato